"I can do everything through him who gives me strength." Phil 4:13

Friday, June 12, 2009

PINOY AKO!!!

june 12, 2009
111th Anniversary of Philippine Independence


ako'y tubong Cotabato City sa Mindanao. parteng timog ng bansa. dun na lumaki at nagkamalay.
laki sa tatay na tagalog at nanay na maguindanaon pero nasanay ako sa salitang tagalog at katoliko ang relihiyong sinusunod ko.

hindi ako magaling sa history. isa iyon sa pinaka niyayamutan kong leksyon. mahina ako sa pag memorya. at hindi ako interesado sa mga tao. pero tuwing idinaraos ang kalayaan ng pilipinas, masaya at buong puso kong iwiniwagayway ang sarili kong gawa na watawat ng pilipinas.

pangarap kong makarating sa ibang bansa. pangarap kong ipasyal ang aking pamilya at makaranas lang man ng "snow". pangarap kong matulungan sila at isa sa mga tumatak sa isip ko e, ang mag trabaho sa ibang bansa. mag trabaho hanggang pwede ko na silang kunin lahat at dun na manirahan tulad ng iba kong mga kamag-anak.

pero habang tumatanda ako, bumago ang ibang pangarap na yon.

naghihirap ang pilipinas. d naman ata bago yun. mahina ang pag usbong ng ating ekonomiya. ilang taon na ang nag daan pero ang mga nakaupong opisyal ay ganun pa rin, naglolokohan, nanloloko at naloloko.

pangarap ko pa ring makarating sa ibang bansa. pangarap ko pa ring maipasyal ang aking pamilya. pero ang magtrabaho at manatili sa ibang bansa ay matagal ng nabura sa aking isipan.

kahit na mahirap ang buhay dito sa pilipinas, kahit na mahirap kumita ng malaking pera, desidido akong magsilbi sa aking bayang sinilangan. bayan ko muna bago ang iba. tawagin mo man akong martyr, wala akong pakialam. sa akin ang pilipinas. sa ATIN ang pilipinas. ipinaglaban ng mga ninuno natin ang bansang ito. wag nating pabayaan at iwanan. kelangan tayo nito. ipakita natin na may kabuluhan ang kanilang mga pinaghirapan.

dito na rin ako maninirahan. ang dami pang lugar na hindi ko nakikita. bahala nang walang snow. masarap namang manirahan sa isang tropikal na bansa tulad ng sa atin. ang daming lugar na nakapaligid na sobrang ganda. bat pa ba tayo maghahanap ng iba? suyurin kaya muna natin ang lahat ng sulok ng ating bansa at kilalanin ang ating kultura bago pumasyal sa iba? ipagmalaki natin kung anong meron tayo. tangkilikin natin ang sa atin.

reklamo tayo ng reklamo sa maling pagtrato sa atin ng mga dayuhan. pero tayo ba mismo may tamang pagtrato sa ating kapwa? tayo ba mismo may respeto sa kapwa pinoy natin?

pag sinabing pinoy, ang naiisip ng karamihan e, mga katulong. walang pinag aralan, mga bayaran. masakit mang isipin pero iyon ang katotohanan. kaya nga ang laki ng pasasalamat ko sa mga pinoy na patuloy na gumagawa ng positibong pangalan para sa ating bansa.


Nicole Scherzinger


Christine Gambito aka Happyslip


Lou Diamond Phillips


Manny "Pacman" Pacquaio


Monique Lhuillier

Brilliante Mendoza
Lea Salonga
tia carrere
Arnel Pineda (journey)
Charice Pempengco
rob schneider
mutya buena (sugababes)
pinoy all stars
cristeta comerford (chef on White House)
dante basco
apl de ap (black eyed peas)
vanessa minnilo
cassie ventura aka cassie
jocelyn enriquez
jasmine villegas
lalaine (lizzy mcguire)
cris judd
cher calvin
vanessa hudgens
rickey of rickey.org
shannyn sossamon
jasmine trias (american idol)

** check the rest of them on Pinoys making it BIG!

ilan lang sila sa masasabi kong proud ako. ang iba man sa kanila'y d 100% dugong pinoy pero sa puso't diwa e, pinoy na pinoy.

alam kong lumihis na ako sa tema. ni di rin naman ako sigurado kung ano ang tema ko. basta lang masaya akong pinoy ako. kahit ano pang sabihin ng iba, ipinagmamalaki kong PINOY ako!

sa tanong na malaya nga ba ang pilipinas...

sa totoo lang, hindi. nakatali pa rin ang ating mga kamay. sunod sunuran sa ibang bansa. pero ang alam ko, ang pagiging malaya ang nagsisimula sa ating sarili. kung paano? siguro sa munting mga bagay tulad ng pagtangkilik at pagsuporta sa kung ano man ang gawa at talentong pinoy. sa pagpapakita na hindi tayo basta basta at sa pagkaron ng tiwala sa ating sarili na kaya natin ito. na kaya nating itaguyod ang ating bansa na hindi nagiging tuta ng ibang bansa.

parang kung sino ako kung magsalita. alam ko yon. alam ko ring isa akong hipokrita sa pagsulat ng blog na ito dahil mismong ang blog na ito e, 98% english ang gamit ko. gustuhin ko mang mag tagalog sa tuwing susulat ako pero pano nga naman ako maiintindihan ng ibang tao?